top of page

Tourism Promotions Board

For all queries or concerns regarding promotions or tourism related services in  Talavera. Please contact us via email(tourism.talavera@gmail.com)

 Facebook messenger or call us at 044 958 4053

  • Facebook
local products.jpg

Talavera Hymn

Himno ng Bayan ng Talavera sa Orihinal panulat ni G. Apet Cruz

at Original na musika ni G. Ezer Maducdoc.

Nag salansan ng Tinig: Dr. Soundz Studio.

Mga Mang-aawit:

Berso 1: Abbeygail Dela Cruz & Mark Allein Tolentino

Berso 2: Apet Cruz & Ezer Maducdoc

Video mula sa Tourism Office & PIO

#TalaveraTourism

#TalaveraHymn

Looking for a restaurant to eat?

Here are some of the best and must-try restaurants in Talavera

Looking for a restaurant to eat?

Here are some of the best and must-try restaurants in Talavera:

Isdaan Floating Restaurant

 Bagong Silang, Talavera, Nueva Ecija

Isdaan Floating Restaurant

Erlinda’s by Crystal Waves

Dinarayat, Talavera, Nueva Ecija

Erlinda's by Crystal Waves

Dad’s Family Restaurant

La Torre, Talavera, Nueva Ecija

Dad's Family Restaurant Talavera

Third Degree

Campos, Talavera, Nueva Ecija

Third degree

#LovethePhilippines

#TalaveraRestaurants

#TalaveraAngPusoNgNuevaEcija

“Biko with langka” of Marimar’s Homemade Kakanin by ChefJulius Aquino Ignacio

“Biko with langka” of Marimar’s Homemade Kakanin by ChefJulius Aquino Ignacio

Ang mga mananaliksik mula sa Central Luzon State University, na pinamumunuan ni Ms. Jennylynne L. Lubrin, ay nagsasagawa ng proyektong pananaliksik na pinamagatang "Traditional Food Preparation and Culinary Practices of Rice Makers in Selected Municipalities in Nueva Ecija."

Ang proyektong ito ay naglalayong itaas ang kamalayan sa mga lokal at bisita tungkol sa ating mayamang pamana sa pagluluto at makakatulong sa pagsulong ng turismo sa pagluluto.

Maraming salamat, ChefJulius sa pagbahagi ng iyong tradisyunal na paggawa ng kakanin na minana mo pa sa inyong Lola, na isinalin sa iyong Nanay at sa iyo, na ngayon ay nagpapatuloy ng nasimulan ng iyong Lola.

#TalaveraTourism

#TalaveraLocalProducts

Mushroom Burger

Try Mushroom Burger’s new product!

The healthy and crunchy Mushroom Chips

na may iba’t ibang flavors:

Original, Cheese, Garlic, Spicy, Bbq

Ito ay matatagpuan sa Barangay La Torre.

For orders and delivery please call:

0956 417 4709

Buy Local!

Eat Local!

Support Local!

Talavera Local products

Mariah Cali Farm Resort

Book at MariahCali Farm Resort in their newly opened Villas

Barangay Cabubulaunan, Talavera

#DOTAccredited

#ItsMoreFuninTalavera

Order now! 
at FoodPanda!

Try Mushroom Burger’s new product!

The healthy and crunchy Mushroom Chips

na may iba’t ibang flavors:

Original, Cheese, Garlic, Spicy, Bbq

Ito ay matatagpuan sa Barangay La Torre.

For orders and delivery please call:

0956 417 4709

Buy Local!

Eat Local!

Support Local!

Talavera Local products

Viva Santo Niño

Ika-19 ng Enero Taong 2025 ay ginanap ang Kapistahan ng Panginoong Hesus, Ang Banal na Sanggol. Ginanap ang Banal na Misa sa pangunguna ni Rdo. Padre Cesar M. Bactol at nagkaroon ng Maringal na Prusisyon ng mga Santo Niño.

KASAYSAYAN NG BARANGAY HOMESTEAD I

473575097_909759404655541_6892929570558864969_n.jpg

Ang nayon ng Homestead 1 ay bahagi ng dating nayon ng Homestead noong ito ay hindi pa nahahati. Mga taga-Pinagpanaan ang karamihan sa mga unang nanirahan sa Homestead kaya’t noong una ay sityo lamang ito ng Pinagpanaan. Tinawag ng Homestead ang nayon sapagkat ang pamamaraang ito ang ginawa ng mga taga-nayon sapagkat ang pamamaraang ito ang ginawa ng mga taganayon noong hinahawan nila ang mga lupaing kanilang pinusisyunan. At nang mahati ang Homestead ang unang bahagi na siyang daratnan pagkalampas ng nayon ng Baluga ay tinawag na Homestead I at ang ikalawang bahagi ay tinawag naman na Homestead II.

Ang mga unang nanirahan sa Homestead I na ang karamihan ay mga Ilokano ay kinabibilangan nila Victorio Guillermo, Eugenio Guillermo, Apolonio Guillermo, Casimiro Guillermo, Alfredo Agustin, Mateo Tolentino, Francisco Rivera, Roman Damaso, Isaac Arenas,Eustaquio Guillermo, Florencio Ramos, Francisco Domingo, Marcelino Labrador, Mariano Santiago, Victor de Jeus, Teodoro Santos at Igmedio San Pedro, Ang mga nagsitinyete del baryo ay sina Arsenio Carpio, Aureilo Agustin, Ismael Grospe, Jesus Santos, Arsenio Javier at Ernesto Garcia.

Sa pangunguna ng sangguniang-nayon ng Homestead I ang mga taga nayon ay nakapagpatayo ng bisita sa lupang inihandog ng mag-asawang Leonardo at Gorgonia Sta.Romana . Ang mag asawa ring ito ang nagkaloob ng patrong isinunod nila sa kanilang pangalan—si Sta.Leogonia n ipinagpipista ng mga taga-Homestead I sa isang tanging araw kung buwan ng Pebrero.

Ang kauna-unahang bahay-paaralan sa Homestead I ay pinatayo noong 1952 sa loteng may isang ektarya na inihandog ni Anselmo Grospe sa pangangasiwa ni Arsenio Llamas bilang pangulo ng samahan ng mga magulang at guro sa nayon. Sa pamamagitan ni Lutgarda Mariano, taga-Pinagnapanaan at napatalagang unang guro sa nayon, ay dumating ang isang bahay-paaralang prefab na ibinigay ni Heneral Alfonso Arellano. Noong Oktubre 1966 ay isa pang bahay-paaralang prefab na may dalawang silid ang ipinatayo ng kasalukuyang Punongbayan Romeo Maliwat sa pamamagitan ng Presidential Assistance on Community Development (PACD). Sa pagtutulungan pa rin ng mga magkakanayon ay napabakuran nila ng konkreto ang dakong harap ng paaralan, samantalang ang ginugol sa ipinagawang konkretong kabitan ng bandila ay nagmula sa aming palay at iba pang mga halamang itinatanim sa isang bahagi ng bakuran ng paaralan. Nagsimulang magkaroon ng klase sa ikaanim na baytang ang paaralang nayon ng Homestead I noong 1963.

Ang halal na kapitan del baryo ay si Primo Rivera subalit ang nanunuparan bilang pansamantalang kahalili niya ay si Jorge Agustin, kawagad ng sangguniang-nayon. Ang iba pang mga kagawad ng sanggunian ay sina Mariano Villamar, Timoteo Tolentino, Benjamin Nunez, Mateo de San Jose at Marcelo Agustin. Kalihim si Victorino Labrador, ingat-yaman si Antonio Nunez at hepe ng pulisya si Jose Agustin. Ang mga pulis-nayon ay sina Mariano Ramos, Teodoro Nazar, Felomino Nool at Juan Javier. Bilang pulis- rural ng Homestead I, si Juan Javier ay may tungkuling magsadya sa pamahalaang-bayan ng Talavera upang kumuha ng sulat para sa mga taganayon at ipamudmod yaon sa mga kinauukulan. At upang maging madali ang pakikipag-ugnayan ng mga taganayon sa pamahalaang-bayan ay pinakabitan ng telepono nayon ni Alkalde Romeo Maliwat. Nakatapos ng iba’t-ibang karunungan ang mga sumusunod:

Pagtuturo: Maura Guillermo, Estrellita Joaquin, Agueda Nazar,

Angelita Nazar, Quintin Santiago; Komadrona: Gliceria Guillermo; Awto

Mekaniko: Rodolfo Agustin, Salvador Garcia; Pananahi (damit pambabae) :

Maria Rivera, Zenaida Rivera, Marina de San Jose, Maura Guillermo, Gloria Garcia, Estrelita Nunez, Apolonio Nunez, Apolonia Nunez, Feliza Nunez, Filipina Agustin, Francisca Labrador, Demetria Agustin, Olimpia Angor, Guadalupe Rivera, Pacita Nazar, Prisilla Labrador, Felomina Labrador, Rosie dela Cruz, Priscilla Barrid, Corazon de Jesus, Ofelia Nool, Adela Nunez, Julia Rufino at Catalina Joaquin; Pananahi (damit panlalaki) : Avelino Labrador, Dominador de San Jose, Nicanor Calanda, Aurelio Agustin, Rogelio Agustin, Regino Nunez, Romy Guillermo, Toning Angor; Pagkukulot: Rosie de la Cruz, Marina de San Jose, Edna Guillermo, Anita Nazar, Josefina de la Cruz, Maura Guillermo; Pagbuburda: Olimpia Angor, Fely Nunez; Pagpapaganda: Marina de San Jose; Pagmamakinilya: Maura Guillermo.

Nasa Paglilingkod: Yolanda Alcantara, kawaning tagapagmakinilya sa tanggapan ng sangguniang-bayan ng Talavera; Fortunato Guillermo, pulis pambayan.

SOURCE: Libro ng Kasaysayan ng Talavera, Nueva Ecija na sinulat ni TOMAS I. PAGADUAN

#talaveratourism

#talaveraangpusongnuevaecija

#LoveThePhilippines

Contents added by DA De Vera,
AB Cruz
2022 

bottom of page